MIAMI -- May ebidensya si Miami Heat star LeÂBron James na pinipilit niyang magkaroon sila ng cheÂmistry ng bagong hugot na si center Greg Oden.
Nagposte si James ng isang litrato sa Instagram na nagpapakita sa kanilang dalawa ni Oden na nagpapapaÂwis sa weight room.
Lumagda si Oden, ang dating No. 1 draft pick na hinÂdi pa naglalaro sa NBA sapul noong 2009 dahil sa kanÂyang problema sa tuhod, ng isang two-year deal sa Heat.
Matapos bumandera para sa Ohio State, kinuha si Oden ng Portland Trail Blazers bilang No. 1 overall pick noong 2007 draft.
Nakita lamang siya sa 82 laro bago nagkaroon ng mga injuries.
Hangad niyang makabalik sa pamamagitan ng pagÂlalaro para sa Heat na hangad ang kanilang pangatlong sunod na NBA title.