Howard ginustong paalisin sa Lakers sina Bryant, D’antoni

HOUSTON -- Ang ilan sa mga hiniling ni center Dwight Howard nang makausap niya ang Los Angeles Lakers bago pumirma sa Houston Rockets ay ang pag­papatalsik kina star Kobe Bryant at coach Mike D’Antoni.

 Iniulat ng Comcast Sports Net Bay Area na gusto ni Howard na puwersahin ng Lakers si Bryant na umalis.

Hindi na sikreto ang napabalitang awayan nina Ho­ward at ni Bryant.

Gusto rin ni Howard na tanggalin ng Lakers si D’Antoni.

Hindi naman pumayag ang Lakers sa naturang mga kahilingan ni Howard kaya pumirma ang sentro sa isang free agent deal sa Rockets.

“Dwight didn’t want to play with Kobe for two to three more years,” sabi ni Lakers’ team owner Jim Buss . “I’m going to stand behind Kobe because of his his­tory with the franchise.”

Maraming naniniwala na sadyang ayaw ni Howard na manatili sa Lakers matapos ang isang season.

Pumirma si Howard ng isang four-year deal sa Houston, ngunit maaari siyang umalis sa koponan para maging isang free agent matapos ang 2015-16 season.

Show comments