Ikatlong sunod na panalo kinuha ng Smart belles

MANILA, Philippines - Hindi nasira ang loob ng Smart nang matalo sa first set nang bumangon at itinatak ang kalidad ng laro sa sunod na tatlong sets patungo sa 22-25, 25-20, 25-17, 27-25 panalo sa Meralco sa Shakey’s V-League Season 10 Open Con­ference kagabi sa The Are­na sa San Juan City.

Nakitaan ng tibay ng dib­dib ang Net Spikers nang kinailangan nilang ta­patan ang mabangis na ipi­nakita ng Power Spi­kers sa huling dalawang sets para maisulong ang 3-0 record.

Sina Gretchel Soltones at Sue Roces ay gumawa ng tig-17 puntos at ang una ay may 16 kills, ha­bang 14 pa ang ibinigay ni Maru Banaticla upang ipa­lasap sa Meralco ang unang pagkatalo matapos ma­nalo sa PNP sa unang asignatura.

Ininda ng Meralco na nalusutan ang PNP sa li­mang sets, ang kanilang 35 errors para matalo sa la­bang tumagal ng isang oras at 51 minuto.

Tila mapapaabot ng Me­ralco sa fifth set ang la­ban nang hawakan ang 23-18 kalamangan pero na­bitiwan nila ang nasa­bing bentahe para malagay sa ikaapat na puwesto sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Ang Chinese import ng Meralco na si Coco Wang ay may 18 puntos mula sa 16 kills at 2 blocks, habang may 15 at 14 pa sina Fille Cainglet at Maureen Ouano para sa na­talong koponan.

Magarang panimula naman ang naitala ng Phi­lippine Army nang pabagsakin ang Philippine Air Force, 25-13, 25-22, 25-18 sa unang laro.

Ang pinakabatang man­­lalaro sa Lady Troo­pers na si Jovelyn Gonza­ga ay nagtala ng anim na blocks patungo sa 16 puntos.

 

Show comments