MANILA, Philippines - Ang Lakers ay isa sa mga teams na magsusuot ng unipormeng may manggas sa paparating na season, ayon sa ulat ni Dave McMenamin ng ESPN Los Angeles.
Ang Lakers, isa sa premiere at tradition-rich franchises sa NBA, ay may classic uniform na gold at purple na hindi kailangan ng malaking adjustment. Sapul noong 1966, halos walang nabago sa uniform ng Lakers maliban sa nadagdag na purple sash sa magkabilang gilid ng jersey sa home uniform at gold sa road uniform. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa uniporme noong 2001 nang magdagdag ang Lakers ng white alternate.
Ang white alternate ay hindi nagustuhan ng mga traditionalists at siguradong ganito rin ang kanilang magiging reaksiyon sa sleeved jerseys.
Ang NBA at adidas ay nag-e-eksperimento sa bagong jersey style. Ginawa na ito ng Warriors sa nakaraang season at ginaya ng ibang team noong Summer League.
Magkahalo ang naging reaksiyon at inaasahang ipagpapatuloy ng NBA ang eksperimentong ito. Ma-dami pang teams ang gagamit ng sleeved jersey na tinatayang aabot sa apat hanggang lima.
Ayon sa source ni McMenamin, ang Lakers ay gagamit ng white short-sleeve uniform at posibleng isuot nila ito sa kanilang laro sa araw mismo ng Pasko.
Dahil mayaman sa tradisyon ang Lakers, mahirap baguhin ang unipormeng nakasanayan na ng marami.