Smart susubukan ng Meralco
MANILA, Philippines - Masusukat ang lalim ng talento ng Smart sa pagbangga sa Meralco sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ikatlong diretsong pa-nalo ang nakataya sa Smart belles sakaling pataubin nila ang Power Spikers sa kanilang ika-4 ng hapon na tagisan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Kahit walong manlalaro lamang ang nasa koponan ni coach Roger Gorayeb ay sinibak ng Smart ang Far Eastern University at Philippine National Police sa straight sets para magsolo sa lide-rato sa walong koponang liga na may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Dadaan sa butas ng karayom ang Smart dahil ang Meralco ay magbabalak na sundan ang five-sets panalo sa PNP.
Ang mga dating panlaban ng La Salle na sina Maureen Penetrante-Ouano, Ivy Remulla at Stephanie Mercado ay makikipagtulungan kina Fille Cainglet at Maica Morada para maisantabi ang mas beteranong line-up ng Smart na pamumunuan nina Sue Roces, Maru Banaticla, Charo Soriano, Jem Ferrer, Rubie de Leon at Gretchel Soltones.
Buksan ang kampanya sa pamamagitan ng panalo ang nais naman ng Phi-lippine Army sa pagharap sa Philippine Air Force sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.
Hindi biro ang lakas ng Army dahil nasa koponan sina Rachel Anne Daquis, Nene Bautista, MJ Balse, ang magkapatid na Michelle at Marietta Carolino, Joanne Bunag at Cristina Salak.
Dahil dito, dapat lumabas ang tikas ng Air Women sa pangunguna nina Judy Ann Caballejo, Maika Ortiz, Joy Cases at Iari Yongco upang makabangon agad mula sa four-sets na pagkatalo sa Cagayan Rising Suns noong Biyernes.
- Latest