MANILA, Philippines - Nakabawi ang Spectacular Ridge sa pagkaÂtalo sa huling takbo nang dominahin ang sinalihang karera noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si Jeff Zarate ang hinete ng Spectacular Ridge na dinomina ang 10-kabayong naglaban sa class division 1B race sa 1,400-metro distansya.
Ang Dance With Me kasunod ng One Bahamas at Spectacular Ridge ang puwestuhan ng tatlong kabayo mula sa alisan hanggang sa kalagitnaan ng karera.
Dito ay lumabas ang tunay na kalidad ng Spectacular Ridge at unang inaÂbutan ang One Bahamas ni jockey Ric Hipolito.
Kinailangan pang ilabas ni Zarate ang sakay na kabayo bago tuluyang inalpasan ang Dance With Me at sa pagsapit sa rekta ay tuluyang umarangkada tungo sa solong pagtawid sa meta.
Pambawi ito ng kabayo matapos pumaÂngalawa sa Ramfire Figher sa huling takbo sa San Lazaro Leisure Park habang malayong pumaÂngalawa ang rumemate ring Majestic Queen ni Jessie Guce.
Paborito ang Spectacular Ridge at nagpasok ng P7.50 sa win habang dehado pa ang pumangalawang kabayo para sa P56.50 dibidendo sa 3-2 forecast.
Samantala, magpapaÂtuloy ang karera ngayon sa Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite at 12 karera ang inihanda para pasiglahin ang pista.
Kasama sa aasinta ng panalo ang kabayong Crucis na dinomina ang Atty. Rodrigo Salud Race na kakampanya sa Handicap Race (D & E) at inilagay sa 1,300-metro distansya.
Si Zarate ang didiskarte sa kabayo na makikipagsukatan sa ibang kasali na Sliotar (JA Guce), Divine Choice (CS Pare), Hyena (MA Alvarez) at coupled entry Botbo (JB Hernandez), Lady Pegasus (EM Raquel) at Tritanic (AB Alcasid Jr).
Isa pang tututukan ay ang race two na 3YO & above maiden race na kung saan ang mananalo sa anim na kabayo ay magbibitbit ng P10,000.00 dagdag premyo.
Ang mga kasali ay ang Prelude, Undisputable, Mama Pls Don’t Cry, Salawikain, Royal Choice at Palakpakan.