Harrellson pinapirma na ng Pistons

AUBURN HILLS, Mich. – Pormal na pinapirma ng Detroit Pistons si center Josh Harrellson ng two-year contract para sa league minimum kung saan ang team ay may option sa second season, nitong Miyerkules.

Lumaro si Harrellson ng six games noong nakaraang season sa Miami Heat.

Ang  6-foot-10, 275-pound na si Harrellson ay hinugot sa 2011 draft ng New Orleans mula sa Kentucky sa second round bago na-trade sa New York Knicks nang gabi ring iyon.

Nag-average si Harrellson ng 4.4 points at 3.9 rebounds sa 14.6 minutes bilang rookie at     6 lumaro ng apat na playoff games noong 2012 playoffs sa Knicks.

 

Show comments