MANILA, Philippines - Nagpakawala ng dalawang tres si Gary David sa huling yugto para tulungan ang Globalport Batang Pier sa 91-88 panalo sa Alaska Aces sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ang huling 3-point bomb galing sa shooter na napabilang sa Gilas National team ang sumira sa 88-all sa huling 9.3 segundo bago naglapat ng matinding depensa ang tropa ni coach Junel Ba-culi para mapilitang magbitiw ang wala sa pormang tres si Jayvee Casio na sumablay sabay tunog ng buzzer.
Tumapos si David taglay ang 10 puntos habang sina import Markeith Cummings, Willie Miller at Jay Washington ay may 28, 14 at 11 puntos para iangat ang koponang pag-aari ni Mikee Romero sa 2-1 baraha.
Unang pagkatalo ito ng Aces sa unang laro ay nasayang ang 28 puntos ni import Wendell McKines. gayundin ang 16-puntos ni Sonny Thoss, 13 ni Cyrus Baguio at 11 ni Jayvee Casio.
Samantala, pagsusu-mikapan ng bagong coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Renato Agustin na makuha ang unang panalo sa pinakapopular na koponan sa PBA sa pagharap sa Meralco Bolts ngayong ika-5 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Naudlot ang debut ni Agustin sa koponan nang natalo sila sa kamay ng Petron Blaze, 95-101, noong Linggo.
“Kami dapat ang nanalo sa Petron pero marami kaming errors. Sayang, pero wala ng magagawa doon at bawi na lang sa Meralco,†wika ni Agustin na sasandalan ang tikas ng import na si Dior Lowhorn na gumawa ng 29 puntos at 11 boards.
Lalaban naman nang husto ang Bolts na hanap na umahon mula sa masakit na 89-90 pagkatalo saBarako Bull para magkaroon ng 1-1 baraha.
Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaro pa ang Rain or Shine at Petron sa ikalawang laro kagabi kung saan hangad ng Elasto Painters ang ika-3 sunod na panalo.