MANILA, Philippines - Ipinagpaliban uli ng pamunuan ng 89th NCAA basketball ang kanilang mga laro kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Bagama’t panaka-nakang sumisilip ang Haring Araw ay patuloy pa rin ang pabugsu-bugsong pag-ulan dala ng habagat kaya’t napilitan ang NCAA ma-nagement committee na i-postpone ang dalawang laro na katatampukan ng Mapua at Emilio Aguinaldo College sa juniors at seniors divisions.
“The NCAA is postponing the basketball games due to floods and bad weather. More than anything else, the safety of the athletes and students is important to the member schools,†ayon sa kalatas na ipinalabas ng pinakamatandang collegiate sa bansa.
Ito ang ikalawang sunod na playdate na hindi natuloy dahil sa masamang panahon.
Noong Lunes ay kinansela rin ang nakatakdang laro dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Samantala, inihayag din ng Mancom na ang swimming championships ay gagawin na sa Agosto 27, 28 at 29 sa Rizal Memorial swimming pool.
Ang opening ceremony ay mangyayari rin sa Martes sa ganap na alas-7:30 ng umaga. Ang pool events ay dapat nagbukas noon pang Agosto 20 pero isinantabi rin.