Hibbert nagpapakondisyon sa kampo ng Spurs

SAN ANTONIO -- Kung napabalita ang pakiki­pag-ensayo ni LeBron James ng two-time NBA champions Miami Heat kay Kevin Durant ng Oklahoma Ci­ty Thunder, nakikipaglaro naman ngayon si Indiana Pacers’ center Roy Hibbert  kay Tim Dun­can, ang future Basketball Hall of Famer na gumiya sa San Antonio Spurs sa nakaraang NBA Finals noong Hunyo.

Si Hibbert ang tumulong sa Pacers na makapaglaro sa NBA Conference Finals ngunit nabigo sa Heat.

Ipinoposte ni Hibbert ang kanyang mga workout updates sa Twitter.

“I seek out the best 2work out w/. No pro ams. In Texas 2work w/ a HOFer. How u gonna get better pa­ying against scrubs,” wika ng 7-foot-2 na si Hibbert sa kanyang Twitter account na @Hoya2aPacer.

Pinasalamatan ni Hibbert ang Spurs sa pagpapa­gamit sa kanya ng kanilang training facility. 

“Wanna thank the @spurs for letting me use their fa­cility n workout with their players. Great big man workout today. Learned a lot,” sabi ni Hibbert.

Kumpiyansa si Hibbert na makakatulong ang kanyang pag-eensayo sa training facility ng Spurs para sa darating na NBA season.

Show comments