MANILA, Philippines - Babawi ang Metro Turf Club sa kanselasyon ng mga karera noong LuÂnes sa inaasahang magandang tagisan ng mga two year-old-horse sa Linggo.
Ang race track sa MalÂvar, Batangas ang siÂyang pagdarausan ng 2nd leg ng Philracom Juvenile Colts and Fillies Stakes race na gagawin sa 1,200-metro distansya.
May kabuuang 11 kaÂbayo ang kasali sa dalawang stakes races na ito na itinaguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom) at sinahugan ng tig-P500,000.00 kabuÂuang gantimpala at ang maÂnanalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 premyo.
Apat rito ang magsuÂsukatan sa colts.
Ang mga kabayong mag-aagawan sa premyo ay ang MaÂÂtang Tubig, Young Turk, Muchos GraÂcias at RiÂÂÂver Mist.
Ang unang dalawang kaÂbayo ang naglaban sa 1st leg at ang Matang Tubig ang kumuha ng panalo sa karerang inilagay sa 1,000-metro distansya.
Mas mahaba ng 200-metro ang magaganap na tagisan at magiÂging krusyal ito lalo pa’t naÂhuli lamang ang remate ng Young Turk na pag-aÂari ni Tarlac Representative Jeci Lapus.
Parehong mga bagong salta ang Muchos Gracias at River Mist pero tiyak na inihahanda ito nang husto ng kanilang connections paÂra makuha ang panalo at maihanay ang sarili bilang pinakamahusay na colts sa taon.
Ang Marinx na pag-aari ni Mayor Leonardo 'Sandy' Javier, Jr. ang magÂtatangka na makadaÂlaÂwang sunod na tagumÂpay sa hanay ng mga fillies.
Pero hindi rin magiÂging madali ang bagay na ito dahil sa mga determinadong katunggali na biÂnuÂbuo ng mga kabayong Donttouchthewine, Kukurukuku Paloma, Mona’s Art, Move On, Priceless Joy at Up And Away.
Ang kabayong KukuÂrukuku PÂaloma ay sariwa sa pagkapanalo sa isang 2YO Maiden race kamaÂkailan para maipakita na kondisyon na ito.
Ang Mana’s Art, Move On and Up And Away ay nasalang naman sa PCSO Maiden Race noÂong Hulyo 20.
Talunan ang tatlo ng Young Turk sa PCSO race pero mapapabor sa kanila ang pagkakaroon ng karaÂnasan sa pista na kung saÂan tatakbo sa unang pagÂkaÂkataon ang Marinx.
Ang papangalawa sa daÂlawang stakes races na ay magkakamit ng P112,500.00, habang premÂyong P62,500.00 at P50,000.00 ang mapapaÂsaÂkamay ng papangatlo at papang-apat sa datingan.