UAAP beach volley, badminton bubuksan ngayong weekend
MANILA, Philippines - Lalong iinit ang aksiyon sa UAAP Season 76 sa nakatakdang pagbubukas ng beach volleyball at badminton competitions ngayong weekend sa magkahiwalay na venues.
Ang maagang paghaharap ng mga paborito sa beach volleyball tournament ang tampok sa University of the East Caloocan sand court sa paghaharap ng reigning two-time champion University of Santo Tomas at De La Salle sa Sabado.
Ang Tigresses at Lady Spikers ang maghaharap sa opening game ng ma-bigat na 10-game sche-dule sa alas-8 ng umaga.
Sa pagtatapos ng playing years ni dating Most Valuable Player Judy Caballejo sa UST, may bagong partner si Maru Banaticla na si Pam Lastimosa, habang pangu-ngunahan ni Kim Fajardo ang De La Salle kasama sina Cyd Demecillo o Cienne Cruz.
Bubuksan naman ng National University ang kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na men’s title kontra sa nagbagong mukhang Adamson University sa alas-10 ng umaga at laban sa University of the East sa alauna ng hapon.
Ang iba pang wo-men’s matches ay Adamson kontra sa University of the Philippines sa alas-8:30 ng umaga, Ateneo-NU game sa alas-9 at Far Eastern University-UE match sa alas-9:30.
Ang iba pang men’s matches ay Tamaraws kontra sa Green Archers sa alas-10:30, Red Warriors kontra sa Blue Eagles sa alas-11 at Fighting Maroons kontra sa Growling Tigers sa alas-11:30.
Babalik ang FEU, ang Season 75 runner-up, sa hapon para harapin ang UP isa huling laro sa alas-1:30 ng hapon.
Sa Rizal Memorial Badminton Hall, sisimulan ng NU ang kampanya para sa ikalawang sunod na men’s championship kontra sa De La Salle sa Court 4 sa alas-9 ng umaga kasabay ng laban ng runner-up noong nakaraang taon na Ateneo at UST sa Court 3, FEU kontra sa Adamson sa Court 2 at UP versus UE sa Court 5.
- Latest