MANILA, Philippines - Sa kanilang blockbusÂter deal sa Brooklyn Nets na nagdala kina Kevin Garnett at Paul Pierce sa ibang team, nakakuha ang Celtics ng draft picks at ilang players na tila hindi nababagay sa kanilang plaÂno.
Tanging si MarShon Brooks ang nababagay sa long term plans ng Boston at sina Keith Bogans, Kris Humphries at Gerald Wallace ay mga beteranong mas bagay na maging supÂporting cast ng isang koÂponang contender.
Bagama’t may naÂging kontribusyon nang luÂmaÂlaban ang koponan, maÂaari na ring ipamigay si BranÂdon Bass. Babayaran siya ng Boston ng $13 million sa susunod na daÂlaÂwang seasons. Kaysa kay Bass, mas bibigyan pa ng playing time sina Kelly Olynyk, Jarred Sullinger, at Vitor Faverani.
Sina Bass, Humphries at Wallace ay may malaÂking bahagi sa pasuweldo ng Boston. Si Humphries ay kikita ng $12 million ngayong season, si Wallace ay susuweldo ng mahigit $30 million hanggang sa susunod na season. Ang tatlong players na ito ay kikita ng $30 million sa parating na season.
Kaya maiintindihan natin kung may ulat na maghahanap ng trade si Danny Ainge para madispatsa ang mga players na ito.
Iba-iba ang sitwasyon ng tatlong players na ito. Isang taon na lang ang natitira sa kontrata ni HumÂphries kaya di malaÂyong madispatsa siya ng Celtics.
Puwedeng may magkainteres kay Bass dahil mayroon siyang midshooting range at may mga koponang kayang saluhin ang kanyang kontrata.
Sa sitwasyon ni Wallace, mahihirapan ang BosÂton dahil napakamahal nitong role player na masama ang inilaro noong nakaraang season. Ang $30 milyon ay napakamahal para sa player na pabagsak na ang laro.
Umaasa si Ainge na makakahanap siya ng trade dahil maraming teams na naghahanap ng veteran role players habang tumatakbo ang season pamalit sa mga magkakaroon ng injury.