Boss Jaden wagi sa PCSO Nat’l Grand Derby

MANILA, Philippines - Kahit ang karera ay na­apektuhan ng walang hum­­pay na malakas na pagbuhos ng ulan noong Linggo.

Itinakbo sa San Laza­ro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang 5th Mayor Ramon Bagat­sing Memorial Cup na sinalihan ng mahuhusay na kabayo dahil sa mala­king papremyo.

Umasa ang mga nagpakarera sa pangunguna ng pamilya Bagatsing at ng host Manila Jockey Club Inc. na gagawa ng re­cord ang sales sa ta­kilya ngunit hindi ito nangyari.

Tinarget ang P40 mil­­yon gross sales sa nasa­bing karera, pumalo la­mang ang benta sa P33.8 milyon na siyang pinakamababa sa huling tatlong taon na idinadaos ang Ba­gatsing Cup bilang pag­gunita sa kaarawan ng dating Manila Mayor na may pagmamahal sa industriya.

Noong 2011 ay nasa P35 milyon ang sales habang noong nakaraang taon ay pumalo ito sa P39 million.

Dahil sa malakas na ulan ay maraming off-track-bettings ng MJCI ang bina­ha at ito ang nakaapekto sa benta ng karera.

Hindi man nakuha ang tinarget, hindi naman ito nangangahulugan na hindi maganda ang tagisan ng mga tumakbo dahil magkahalong mga liyamado at dehado ang kuminang sa pista.

Tampok na panalo ang naitala ng Boss Jaden na hinawakan ni jockey Jeff Bacaycay nang pagharian ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) National Grand Derby.

Hindi nasira ang diskarte ni Bacaycay kahit nalagay muna sa pangatlong puwesto habang halos limang dipa ang layo ng mga nagbakbakan sa unahan na Hi Money ni Pat Dilema at Sky Dragon ni Antonio Alcasid Jr.

Pumangalawa pa rin ang Hi Money pero halos pitong dipa ang layo ng nanalong kabayo bago tumawid ang Sky Dragon at nahuli ang Pleasantly Perfect na sakay ni Jonathan Hernandez.

Tinalo ng Prime Rate na sakay ni Leo­nardo Cua­dra Jr. ang Money King na hawak din ni Dilema sa Division 1 at iuwi ang P420,000.00 unang gantimpala mula sa P720,000.00 na itinaya sa  1,750-metro distansya.

Hindi naman nakaporma sa Sliotar na ginabayan ni John  Alvin Guce ang Oh Oh Seven na diniskartehan ni Jeff Zarate sa Division II race na inilagay sa 1,400-metro para kunin ang P300,000.00 first prize sa P500,000.00 premyo.

­

 

Show comments