^

PM Sports

Army at FEU magkakasubukan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipapakita ng Philippine Army  ang galing na taglay ng koponan sa pagharap sa FEU sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang 2011 champion na Philippine Army ay binubuo ng mga matitikas na manla­laro tulad nina MJ Balse, Nene Bautista, Rachel Anne Daquis bukod pa sa magkapatid na sina Michelle at Marietta Carolino.

Unang laro ang nasabing tagisan sa ganap na ika-2 ng hapon at kailangang mahigitan ng Lady Tamaraws ang larong naipakita noong Linggo para makapasok sa win-column sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Lumasap ang FEU ng 25-16, 25-5, 25-19 pagkatalo sa kamay ng Smart-Maynilad para makasama ang Philippine National Police na natalo sa pagbubukas ng ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Samantala, ang Meralco na nalusutan ang PNP sa limang mahigpitang sets, 25-17, 17-25, 21-25, 25-15, 15-9, ay magtatangka ng kanilang ikalawang sunod na panalo laban sa Philippine Air Force sa hu­ling laro na mapapanood matapos ang labanan ng Philippine Navy at Cagayan Province.

Sina Maureen Penetrante-Ouana, Ivy Remulla, Maica Morada, Stephanie Mercado at Fille Cainglet ang mga magtutulong-tulong uli para masolo ang liderato sa walong koponang liga.

Ibabandera naman ang Cagayan na pumangalawa  noong nakaraang taon sa Sandugo, nina Aiza Maizo, Sandra delos Santos, Angeli Tabaquero at Joy Benito habang ang Lady Sailors ay sasandal sa husay nina Michelle Laborte, Janeth Serafica, Czarina Reyes at Abigail Praca.

Ang mga larong ito ay mapapanood sa GMA News TV Channel 11 sa ganap na ika-1 ng hapon at ang Army-FEU ay sa Miyerkules isasaere habang sa Huwebes at Biyernes ipalalabas ang Cagayan-Navy at Meralco-Air Force.

vuukle comment

ABIGAIL PRACA

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

CZARINA REYES

FILLE CAINGLET

IVY REMULLA

JANETH SERAFICA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with