PNP buwenamano ng Meralco volleybelles

MANILA, Philippines - Inilabas ng Meralco ang lahat ng kanilang lakas sa deciding set upang igupo ang Phi-lippine National Police, 25-17, 17-25, 21-25, 25-15, 15-9 sa kanilang debut game sa Shakey’s V-League Open Confe-rence sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagtala si skipper Maureen Penetrante-Ouano ng 19 hits, kabilang ang 12 kills habang ang iba ay nagposte ng double-digit outputs upang tapusin ng Power Spikers ang opening game ng second conference ng ika-10th season ng liga, sa loob ng isang oras at 48-minute.

Nagtala sina Maica Morada at guest player Ivy Remulla ng tig-15 hits habang ang dating La Salle mainstay na si Stephanie Mercado ay nagpamalas ng 12-kill performance para sa Power Spikers na tinabunan ang pinagsamang 44-points nina Frances Molina at Janine Marciano para sa PNP.

Ang Meralco-PNP match ay ipapalabas ng GMA News TV Channel 11 simula ala-una ng hapon ngayon, ayon sa nag-orga-nisang Sports Vision.

Nagtala sina Molina at Marciano ng tig-22 hits para sa Lady Patrolers kabilang ang 38-attack production ngunit wala silang nagawa sa huling dalawang sets.

Sa ikalawang laro, pinarisan naman ng Smart ang naitalang tagumpay ng Meralco nang kanilang itala ang 25-16, 25-5, 25-19 panalo kontra sa  Eastern University.

Show comments