PNP, PhilHealth maghihiwalay sa UNTV
LARO NGAYON
(Pasig Sports Center, Pasig City)
2:30 p.m. PNP vs PhilHealth
4 p.m. Congress-LGU vs MMDA
5:30 p.m. Judiciary vs AFP
MANILA, Philippines - Isang koponan lamang ang mananatiling malinis ang kartada sa mga laro sa 1st UNTV Cup ngayong hapon sa Pasig Sports Center sa Pasig City.
Maglalaban ang Philippine National Police at ang PhilHealth ngayong alas-2:30 ng hapon.
Parehong may 2-0 record ang PNP at ang PhilHealth ay naghahangad na mapalakas ang kanilang tsanÂsa sa outright semifinals seats na ibibigay sa top two squads matapos ang single round elimination.
Hangad naman ng Congress-LGU na makabangon sa 73-98 kabiguan sa PhilHealth sa pagharap sa Metro MaÂnila Development Authority sa alas-4 ng hapon kaÂsuÂnod ang laro ng Judiciary, nagmula sa 60-130 kabiguan sa Department of Justice, laban sa Armed Forces of the PhiÂlippines sa alas-5:30.
- Latest