Bryant hindi pa tiyak kung makakalaro sa opening

LOS ANGELES -- Sinabi ni Kobe Bryant na hindi pa niya tiyak kung handa na siyang maglaro para sa Los Angeles Lakers sa pagbubukas ng NBA season sa Oktubre 29.

Napaaga ang paggaling ng inayos na Achilles’ tendon ni Bryant.

Sa susunod na linggo ay ipagdiriwang ni Bryant ang kanyang ika-35 kaarawan.

Sinabi niyang hindi pa magtatapos ang kanyang 17-year career sa NBA.

“I just want that jewelry,” sabi ni Bryant tungkol sa inaasam niyang ikaanim na NBA championship. “People just don’t understand how obsessed I am with winning.”

Ginawa ni Bryant ang kanyang komento kay late night host Jimmy Kimmel sa “Kobe Up Close,” isang one-on-one conversation sa NBA superstar noong Hu­we­bes ng gabi sa Nokia Theatre malapit sa Staples Center.

Mayroon siyang one-word answer nang tanungin ni Kimmel kung tatapusin niya ang kanyang career sa Lakers.

“Yeah,” sagot ni Bryant.

 

Show comments