Tamaraws determinadong bumawi; Bulldogs hangad ang solo 2nd spot

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Tamaraws na makabangon mula sa ka­nilang kauna-unahang ka­biguan, habang puntir­ya naman ng Bulldogs na solohin ang ikalawang pu­westo.

Lalabanan ng Far Eas­tern University ang De La Salle University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pakikipagharap ng National University sa Adamson University sa alas-2 sa elimination round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Natikman ng Tamaraws ang kanilang unang pag­katalo ngayong season nang yumukod sa Bul­ldogs, 58-59, noong Agosto 14.  

Dala ng FEU ang 7-1 baraha kasunod ang NU (5-3), University of the East (5-3), University of Sto. Tomas (4-4), La Salle (4-4), five-time cham­pions Ateneo De Manila Uni­versity (4-4), Adamson (3-5) at University of the Philippines (0-7).

Posibleng ipahinga ni rookie coach Nash Racela si Tamaraws’ scoring guard RR Garcia matapos itong magkaroon ng lagnat bunga ng allergy.

Ito ang inaasahang sa­samantalahin ng Green Ar­chers ni rookie mentor Ju­no Sauler na nangga­ling sa 70-69 overtime win la­ban sa Falcons noong Agos­to 14.

Isang krusyal na basket ni guard Arnold Vosotros sa natitirang 1.8 segundo ang naglusot sa La Salle kontra sa Adamson.

Nagkaroon ng trang­ka­so sina Thomas Torres at Luigi Dela Paz kaya hin­di na­kalaro sa huling la­ban ng Green Archers.

 

Show comments