Julaton-Salazar eliminator

MANILA, Philippines - Nangako si dating Fil-Am world female super ban­­tamweight champion Ana ‘The Hurricane’ Jula­ton ng panalo laban kay Ce­lina Salazar sa kanilang 10- round, title eliminator ngayon sa Cancun, Me­xico.

Ito ang unang laban ng 33-anyos na si Julaton (12-3-1, 2 KOs) ngayong ta­on kontra sa 24-anyos na si Salazar (4-1-2, 1 KO).

Nauna nang napaulat na kung mananalo siya kay Salazar ay maaa­ring hamunin ni Julaton si International Boxing Fe­deration bantamweight tit­list Yazmin Rivas ng Me­xico sa undercard ng Floyd Mayweather-Saul Al­varez sa Setyembre 14 sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit ayon kay Julaton, wala pa itong katiya­kang mangyayari.

Ang laban ni Julaton kay Salazar ay isa sa mga itatampok sa isang 130-pound title fight sa pagitan nina WBC cham­pion Takashi Miura at Sergio Thompson sa ila­­lim ng Golden Boy Pro­mo­tions.

Si Julaton ay ang da­ting reyna sa female super bantamweight division ng World Boxing Organization.

Dalawang sunod na pa­nalo ang inilista ni Jula­ton, ang mga lahi ay tubong Pozzorubio, Panga­si­nan, matapos agawan ni Yesica Patricia Marcos ng Mexico ng WBO female super bantamweight title via unanimous decision no­ong Marso 16, 2012.

Ang mga binugbog ni Julaton ay sina Yolanda Segura at Abigail Ramos noong Mayo 4 at Agosto 3, 2012, ayon sa pagkaka­su­nod.

 

Show comments