San Mig-Barako trade hindi nagustuhan ni Trillo

MANILA, Philippines - Ikinainis kahapon ni Alaska head coach Luigi Trillo ang inapruhabang trade ng Philippine Basketball Association sa pagitan ng San Mig Coffee at Barako Bull.

Dinala ng Mixers sina Wesley Gonzales at Chris Pacana bukod pa ang 2017 second round pick sa Energy para makuha si Allein Maliksi.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @luigitrillo, sinabi ni Trillo na nagulat siya sa pag-apruba ni PBA Commissioner Chito Salud sa nasabing palitan.

“Am I bitter? No I’m not just impressed at how teams find ways to strengthen their line ups, quite shocked at Barako’s trades Sad,” wika ni Trillo.

“Would you trade James Yap for Bulawan and Celino Cruz? Cannot see the logic In letting a talent like Maliksi go,” dagdag pa nito.

Ang 6-foot-3 na si Maliksi, produkto ng UST Tigers sa UAAP, ay unang naglaro para sa Barako Bull noong 2011 bilang No. 8 pick sa PBA Draft bago dinala sa Barangay Ginebra via trade noong nakaraang taon.

Muling nakabalik si Maliksi sa Energy noong Enero ng 2013.

 

Show comments