^

PM Sports

Piece Of My Wish ipinanalo ni JA Guce

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napalabas ni jockey JAA Guce ang bangis ng kabayong Piece Of My Wish para maging makinang ang laban ng mga dehadong kabayo noong Martes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa 1,000-metro karera sa class division 1-B lumaban ang tambalan at kondisyon ang kabayo nang hindi nabitiwan ang kalamangan mula sa pagbukas ng aparato hanggang matapos ang tagisan.

May 12 kabayo ang nagsukatan at nagawang humabol  ang Made Of Honour para masegundo sa datingan.

Nagbigay ang win ng P60.50 habang ang 11-10 sa forecast ay nagpasok ng P352.00 dibidendo.

Huling karera ito sa gabi at ang di inaasa-hang panalo ng Piece Of My Wish ay nagresulta para may mananayang makapag-uwi ng milyong piso na dibidendo.

Ang 1-4-4-1-1-11 kombinasyon sa Pick Six ay naghatid ng P1,111,055.80 gantimpala sa masuwerteng karerista.

Ang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalasa sa gabi ay ang Close To Hallie na diniskartehan ni Guce sa race four sa 1,400-metro distansya.

Tinalo ng dehadong kabayo ang Kornati Island na pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 56.5 kilos.

Nagpasok ang win ng Close To Hallie ng P63.50 habang ang forecast na 4-2 ay mayroong P421.00 na ipinamahagi.

Ang isa pang hindi napaborang kabayo ay ang White Ball sa race five para maghatid ng P55.50 dibidendo habang ang pumangalawa ay ang Gracious Host at ang 4-2 forecast ay may P630.50 dibidendo.

vuukle comment

BATANGAS

CLOSE TO HALLIE

GRACIOUS HOST

GUCE

KORNATI ISLAND

MADE OF HONOUR

METRO TURF CLUB

PICK SIX

PIECE OF MY WISH

WHITE BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with