MANILA, Philippines - Balewala na kung susubukan pang plantsahin ang negosasyon para sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.
Ito ang pahayag ni Jeff Mayweather, ang uncle/trainer ng American world-five division champion, sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio.
“No I don’t think so, I think the fight is meaningless now,†sabi ni Jeff. “I think that it’s one of those situations in which Pacquiao had a chance to take the fight and he chose not to.â€
Ang tinutukoy ni Jeff ay ang tatlong beses na pagbagsak ng negosasyon para sa banggaan nina Pacquiao at Mayweather.
Kabilang sa mga naging dahilan nito ay ang kabiguan nina Pacquiao at Mayweather na magkasundo sa hatian sa prem-yo at pagsailalim sa isang Olympic-style random drug at urine testing.
“They can point the finger all they want to, but Floyd offered him 40 million dollars. Maybe it was Bob (Arum) that turned it down, or whatever the case may be, but if you’re a fighter, you have enough power to say “Look, I want this fight†and you didn’t do it, you don’t deserve the fight,†ani Jeff.
Kamakailan ay sinabi ni Mayweather (44-0-0, 26 knockouts) na ayaw na niyang labanan si Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) dahil laos na ito.
Noong nakaraang taon ay natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9 kasunod ang pagpapatumba sa kanya ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8.