GM So haharap sa Russian GM

MANILA, Philippines - Sisikapin ni Grandmaster Wesley So na masundan ang kanyang 1.5-0.5 panalo kontra kay GM Alexander Ipatov ng Turkey sa pakikipagharap kay Russian GM Evgeny Tomashevsky sa second round ng FIDE World Chess Cup sa Tromso, Norway.

Tinalo ni So si Ipatov sa kanilang first match bago naka-draw sa kanilang second game, para patalsikin sa event na nilahukan ng 128 players na nakalusot sa mga qualifying tournaments.

Ngunit inaasahang mabigat ang susunod na laban ng Filipino champion, ranked sa torneong ito, sa pakikipagharap sa 32nd-ranked na si Tomashevsky, na galing din sa mahigpitang laban kontra kay Alejandro Ramirez bago nakarating sa second round na ito.

Nangailangan si Tomashevsky ng 9 games para igupo ang Puerto Rican na kalaban.

Tabla ang kanilang unang 4 na laban bago ipinanalo ni Tomashevsky ang ikalima, natalo ng dalawang sunod bago na-sweep ang huling dalawang two matches para umiskor ng 5-4 win at itakda ang laban kay So.

Hangad ni Tomashevsky na makakuha ng maagang advantage kay So hawak ang puting piyesa ngunit tiyak na inu-neutralize ito ng pambatong Pinoy chesser tangan ang itim na piyesa.

Si So na lang ang natitirang Pinoy bet.

 

Show comments