MANILA, Philippines - Malaki ang senyales na kakagatin ng bayang-karerista ang pitong araw na pangangarera na sinimulan noong Lunes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Umabot sa P15.5 milyon ang gross sales sa walong karerang inihanda at aminado ang pamunuan ng Phi-lippine Racing Commission (Philracom) na mababa ito sa kanilang naging ekspektasyon.
“Ang expectation namin ay nasa normal na P18 milyon ang magiging gross pero may iba ring mga factors na dahilan kung bakit nagkaganito,†wika ni Philracom executive director/commissioner Jess Cantos.
Tinuran ni Cantos ang pagkakaroon ng bagyo bukod pa sa kakulangan ng impormasyon na magdaraos na ng karera tuwing Lunes.
“First day ito at may bagyo pa pero nakikita natin na magpi-pick up ito sa susunod,†ani Cantos.
Unang buwan pa ng taong 2013 itinutulak ng daÂÂlaÂwang racing clubs na San Lazaro at Sta. Ana na gaÂwing pitong araw ang karera lalo pa’t may bagong race track na bubuksan at ito ay ang Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Hindi naman agad na pumayag ang Philracom sa mungkahing ito dahil kaunti pa lamang ang mga tatlo at dalawang taong kabayo sa mga panahong iyon.
“Ito ang sa tingin namin na right timing dahil ang mga three-year old horses ay papalo na sa 400 ang bilang habang aabot na sa 100 ang tatakbo sa hanay ng mga juvenile horses. Kaya hindi na tayo magkukulang ng tatakbo,†paliwanag ni Cantos.
Kahit ang Metro Turf na nagbukas na at naunang nagsabing alanganin sila na sumuporta sa programang ito ay nagpapakita ng kahandaan na makipagsabayan sa pitong araw na pangangarera.
“May dalawang programa na nga silang ipinalabas dati at hindi naman nila ginagawa. Kaya ang pa-ngamba rin nila na hindi pa nila kaya dahil kulang ang mga tatakbo ay nawala na rin,†dagdag ng Philracom official.
Bibigyan ng ahensyang nangangasiwa sa horse racing at pinamumunuan ni chairman Angel Castano Jr. ng tatlong buwan na magpatakbo ng isang linggo bago muling rebisahin kung sa ikagaganda ba o hindi ito sa industriya.
“We will be giving them three months at sa November ay titingnan natin kung nakakatulong ba ito sa industriya. Makakasama namin ang lahat ng taong nasa sektor ng industriya para pag-usapan ito at kung magkakaisa na hindi ito nakakatulong ay puwede natin itong alisin uli. Kung nakakatulong, ipagpapatuloy natin ito hanggang sa matapos ang taon,†ani Cantos.
Samantala, inanunsyo rin ni Cantos ang napiÂpinÂtong on-line betting gamit ang mga cell phones na itiÂnutulak ng Malvar at San Lazaro.
Isinasaayos na ang gagamiting sistema para rito at nagkaroon na ng testing nitong mga nagdaang araw at inaasahang bago matapos ang buwan ng Agosto ay nakaimplementa na ito.
Kung tumakbo na ito, ang mga cell phones ay tila magiging Off Track Betting stations ng mga mananaya na walang oras na tumaya sa mga OTBs o sa mga race tracks.
Lalaki rin ang sakop ng horse racing kung sisimulan na ito dahil kahit ang mga mahihilig sa horse racing sa Visayas at Mindanao ay puwede nang tumaya kahit nanonood lamang sa kanilang mga tahanan.