PHILADELPHIA -- Kinuha ng 76ers si longtime San Antonio Spurs assistant Brett Brown bilang bago nilang head coach na tumapos sa kanilang paghahaÂnap na nagsimula apat na buwan na ang nakararaan maÂtapos magbitiw si Doug Collins bunga ng malamya nilang 34-48 season.
Ang 52-anyos na si Brown ay tatanggap ng isang four-year guaranteed contract para pamunuan ang 76ers, ayon kay Ian Thomsen ng Sports Illustrated’.
Iniulat ni Yahoo! Sports NBA columnist Adrian Wojnarowski noong Biyernes na nakikipag-usap ang Sixers kay Brown matapos ang kanilang pulong sa New York noong nakaraang linggo.
Tinalo ni Brown ang mga kandidato para sa nasabing coaching job.
Kabilang dito sina assistant coaches Jay Larranaga ng Boston Celtics, Adrian Griffin ng Chicago Bulls, Kenny Atkinson ng Atlanta Hawks, David Vanterpool ng Portland Trail Blazers at Michael Curry, naging assistant ni Collins sa Philadelphia.
Nakasama din ang pangalan ni Brown sa mga piÂnagpilian sa Denver Nuggets bago kunin ng koponan si dating Indiana Pacers assistant Brian Shaw.
Ang 76ers ay kasalukuyang pinapalakas ng bagong general manager na si Sam Hinkie.
Sa draft-night deal ay dinala ng Philadelphia si All-Star point guard Jrue Holiday sa New Orleans Pelicans kapalit ni No. 6 overall pick Nerlens Noel, patuloy pang pinapagaling ang kanyang surgery sa isang torn left ACL.
Ang kasunduan ni Brown at ng 76ers ay hindi kasing haba ng six-year deal ni Brad Stevens sa Boston Celtics. Ngunit sapat na ito para mai-develop ni Brown si Noel.