MANILA, Philippines - Bubuhayin ng PhilipÂpine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga katutubong laro sa pamamagitan ng PNoy Sports.
Ang PNoy Sports, isang kampanya upang ibaÂlik ang mga tradisyunal na larong Pilipino na layuning magbigay ng pagkakataon para sa bonÂding ng pamilya at mga magkakaibigan na hanÂdog ng PCSO at Yellow Ribbon Movement (YRM).
Gagawin ito sa iba’t ibang lugar tulad ng ElÂlipÂtical Road, Quezon CiÂty Circle at Amoranto StaÂdium.
Sisimulan ito sa Agosto 21, alas-8:00 ng umaÂga sa LiwaÂsang AuÂrora, Quezon CiÂty Memorial Circle, na may limang kategorya: paÂÂlosebo, patintero, luksong tinik, sipa at dama. Ang mga kalahok ay mga batang edad 7 hanggang 12 na naninirahan sa munisipalidad/barangay.
Ayon kay PCSO ChairÂman Margie Juico, ang mga larong Pilipino tuÂlad ng patintero, tumbang preso, piko, sipa, tuÂrumpo at marami pang iba, ay buhay na buhay pa sa Pilipinas at nilaÂlaÂro pa din sa komunidad.
“Hindi totoong hindi na naglalaro ang mga baÂta ng larong kalye, tuÂlad ng sabi ng iba na naÂwala na ito sa lipunan ng PiÂlipnas sa panahon ng mga computer at mga gadÂget na high-tech. Sa maÂraming lugar na urban at rural, naglalaro pa rin sa labas ang mga batang Pinoy ng mga katutubong laro daÂhil marami pa rin ang waÂlang mamahaling high-tech gadgets,†pahayag ng Chairman.
“Nais naming buhaÂyin ang mga larong PiÂnoy sa puso ng mga baÂtang Pinoy, para naman sa aming munting paÂraan, maÂÂkatulong kaming pasaÂyahin sila at maÂipagmaÂlaki nila ang paÂÂgiging Pilipino,†pagÂtaÂÂtapos pa ni Juico.