^

PM Sports

Mga larong katutubo bubuhayin ng PCSO

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bubuhayin ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga katutubong laro sa pamamagitan ng  PNoy Sports.

Ang PNoy Sports, isang kampanya upang iba­lik ang mga tradisyunal na larong Pilipino na layuning magbigay ng pagkakataon para sa bon­ding ng pamilya at mga magkakaibigan na han­dog ng PCSO at Yellow Ribbon Movement (YRM).

Gagawin ito sa iba’t ibang lugar tulad ng El­lip­tical Road, Quezon Ci­ty Circle at Amoranto Sta­dium.

Sisimulan ito sa Agosto 21, alas-8:00 ng uma­ga sa Liwa­sang Au­rora, Quezon Ci­ty Memorial Circle, na may limang kategorya: pa­­losebo, patintero, luksong tinik, sipa at dama. Ang mga kalahok ay mga batang edad 7 hanggang 12 na naninirahan sa munisipalidad/barangay.

Ayon kay PCSO Chair­man Margie Juico, ang mga larong Pilipino tu­lad ng patintero, tumbang preso, piko, sipa, tu­rumpo at marami pang iba, ay buhay na buhay pa sa Pilipinas at nila­la­ro pa din sa komunidad.

“Hindi totoong hindi na naglalaro ang mga ba­ta ng larong kalye, tu­lad ng sabi ng iba na na­wala na ito sa lipunan ng Pi­lipnas sa panahon ng mga computer at mga gad­get na high-tech. Sa ma­raming lugar na urban at rural, naglalaro pa rin sa labas ang mga batang Pinoy ng mga katutubong laro da­hil marami pa rin ang wa­lang mamahaling high-tech gadgets,” pahayag ng Chairman.

“Nais naming buha­yin ang mga larong Pi­noy sa puso ng mga ba­tang Pinoy, para naman sa aming munting pa­raan, ma­­katulong kaming pasa­yahin sila at ma­ipagma­laki nila ang pa­­giging Pilipino,” pag­ta­­tapos pa ni Juico.

vuukle comment

AMORANTO STA

CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

MARGIE JUICO

MEMORIAL CIRCLE

PILIPINO

PINOY

QUEZON CI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with