MANILA, Philippines - Nagmartsa sa second round si Filipino GrandÂmasÂter Wesley So makaÂraang gibain si GM AleÂxander Ipatov ng Turkey, 1.5-0.5, sa 2013 World Chess Cup sa Scandic Hotel sa Tromso, Norway.
Gamit ang puting piyesa, tinalo ng 33th seed na si So (ELO 2708) ang No. 96th seed na si Ipatov (ELO 2583) sa 45 moves ng Petroff Defense sa una niÂlang laro sa standard play.
Muling pinayukod ng 19-anyos na si So ang 20-anyos na si Ipatov sa pamamagitan ng 59 moves ng Grunfeld Defense, Exchange Variation gaÂmit ang itim na piyesa.
Makakaharap ni So sa second round ang manaÂnaÂlo sa pagitan nina No.32 seed GM Evgeny ToÂmaÂshevsky ng Russia (ELO 2709) at No. 97 GM Alejandro Ramirez (ELO 2583) ng United States.
Nagtabla sina TomaÂshevÂsky at Ramirez sa una nilang laro.
Noong 2009 sa KhanÂty Mansiysk, Russia ay giÂnitla ni So si daÂting world championship canÂdidates GM Vassily IvanÂchuk ng Ukraine, 1.5-.5, sa second round at isinuÂnod si American GM GaÂta Kamsky, 1.5-.5, sa third round patungo sa quarterfinals.
Winakasan ni GM VlaÂdimir Malakhov ng RusÂsia ang ratsada ni So, 4-1, sa rapid tiebreak.
Samantala, nabigo naman siÂna 100th seed GM Oliver Barbosa (ELO 2572) at 110th seed GM Mark PaÂragua (ELO 2545) sa kaÂni-kanilang mga laro sa 128-player, knockout-style event na inorganisa ng FIDE (World Chess FeÂderation).
Natalo si Barbosa kay 29th seed GM Le Quang Liem (ELO 2712) ng VietÂnam at sumadsad si PaÂragua kay 28th seed GM Dmitry Jakovenko ng Russia (ELO 2724) sa kaÂni-kanilang two-game stanÂdard play.
Ang iba pang pumaÂsok sa second round ay siÂna 2nd seed GM Fabiano Caruana (ELO 2796) ng Italy, 3rd seed GM Valdimir Kramnik ng Russia, 4th seed GM Alexander Grischuck (ELO 2780) ng Russia at 5th seed GM HiÂkaru Nakamura (ELO 2772) ng United States.
Sa ladies division, naÂkipag-draw naman si daÂting woÂmen world chamÂpion GM Hou Yifan ng ChiÂÂna kay GM Alexie ShiÂÂrov.