^

PM Sports

FEU ayaw madumihan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patitikasin pa ng FEU ang kanilang kinalulugaran sa tuktok ng team stan­dings sa pagsukat uli sa lakas ng National University sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s  bas­ketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang linggo na na­pahinga ang liga dahil sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships at kahit gi­­namit ng walong kopo­nan ang bakasyon para mas ma­paghandaan ang se­­cond round, hindi naman ma­tiyak ni Tamaraws men­tor Nash Racela kung na­kabuti ba ito o hindi sa kanyang mga alipores.

“I’m not really sure if the break is helpful to us. Only the results of the games will tell,” wika ni Racela na isa sa assistant coach ni Gilas coach Chot Reyes na nanalo ng pilak sa FIBA-Asia pa­ra makapuwesto ang Pi­lipinas sa 2014 World Championships sa Mad­rid, Spain.

Hindi natalo ang FEU sa pitong laro matapos ang first round upang mag­karoon ng tatlong la­rong agwat sa mga nasa ika­lawang puwesto na NU, UST at UE.

“All the teams are going after us and I just hope we can get this win to keep our advantage,” ani Ra­cela.

Sina Terrence Romeo at RR Garcia ang mga ma­mumuno sa Tamaraws na pilit na isasantabi ang lakas ng Bulldogs na mag­mumula kay Bobby Ray Parks Jr.

Si Parks na naghahatid ng 18.9 puntos, 9.4 re­bounds at 4.4 assists ay da­pat ding makakuha ng suporta sa ibang kasamahan para mas gumanda ang tsansang mabawian ang FEU.

Tampok na laro ito at mapapanood matapos ang sukatan ng lakas ng La Salle at host Adamson sa ganap na ika-2 ng hapon.

Nailusot ng Green Archers ang 70-67 panalo sa Falcons noong Hulyo 24, isang laro na nagresulta ng pagkakasuspindi ni re­feree Francisco Olivar ma­tapos ang kuwestiyonableng unsportsmanlike foul kay Gian Abrigo sa hu­ling 15.9 segundo na nag­bigay ng bentahe sa Green Archers.

ASIA MEN

BOBBY RAY PARKS JR.

CHOT REYES

FRANCISCO OLIVAR

GIAN ABRIGO

GREEN ARCHERS

LA SALLE

NASH RACELA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with