Pargo muling kinuha ng Bobcats

CHARLOTTE, N.C. -- Muling pinapirma ng ba­gong kontrata ng Charlotte Bobcats si journeyman point guard Jannero Pargo.

Inihayag ng Bobcats ang kanilang pagpapalagda kay Pargo ngunit hindi ibinunyag ang financial terms ng kontrata.

Naglaro ang 6-foot-1 na si Pargo sa Bobcats noong Mar­so kung saan siya pumirma ng dalawang 10-day con­tracts bago tinapos ang nakaraang season.

Mula sa bench ay nagtala si Pargo ng mga averages na 8.4 points at 1.9 assists sa loob ng 16.2 minutes per game.

Tumipa din siya ng 38.2 percent sa 3-point area at 88.9 percent sa free throw line.

Ang 33-anyos na si Pargo ay naglaro ng siyam na sea­sons sa NBA para sa Lakers, Raptors, Bulls, Hornets, Hawks, Wizards at Bobcats.

Sa kanyang career, naglista siya ng mga averages na 6.5 points at 2.0 assists per game.

 

Show comments