7th Asian Junior Wushu Championship: Omengan sumikwat ng ginto sa nanquan

MANILA, Philippines - Nasilayan din ang hu­say ni Alieson Ken Ome­ngan, habang si Faith Lia­na Andaya ay may da­la­wang pilak at dalawang sanshou fighters ang umabante sa semifinals upang tumibay ang paghahabol ng medalya ng Pilipinas sa 7th Asian Junior Wu­shu Championship sa Ma­kati Coliseum.

Kuminang si Ome­ngan sa Group A men’s nan­quan para pangunahan ito sa naitalang 9.33 puntos.

Ang pilak ay nakuha ni Chio Wai Keong ng Ma­cau (9.24) at si Bishal Thapa Sinjali ng Nepal ang pumangatlo (9.16).

“Silver medal po ako sa event na ito sa World Ju­niors sa Macau, China no­ong nakaraang taon at ipi­nakita ko lamang ang bu­nga ng aking pagsasa­nay,” wika ng 15-anyos na tubong La Trinidad Ben­guet.

Sumali pero hindi na­nalo sa paboritong nanquan event na siyang ipinanalo niya sa World Championship, tinapos ni Omengan ang laban sa torneo sa pag­sali sa nandao kaha­pon.

Ngunit pumang-lima la­mang siya sa naitalang 9.28 puntos.

“Kuntento po ako sa ipi­nakita ko. First time kong sumali sa 15-17 age group at ang experience ko ay makakatulong para lalo akong magsanay bilang paghahanda sa World Ju­niors Championship sa Ma­laysia,” dagdag pa ni Ome­ngan.

Kumulekta si Anda­ya ng dalawang pilak sa Group C women’s ele­­mentary changquan (9.06) at jianshu (9.05) pa­ra lumabas bilang may pinakamaraming medalya matapos masama rin sa team sa group competition.

May bronze medal pa si Christian Nicholas La­pitan sa Group C men’s ele­mentary changquan (8.98), ang bansa ay na­ka­kubra na ng tatlong gin­to, tatlong pilak at isang tansong medalya pa­ra malagay sa ikali­mang puwesto sa medal race.

Madaragdagan ang me­dalya ng host country dahil nakatiyak na rin ng bronze  medals sina Thommy Aligaga (men’s 52kg) at Clemente Tabu­ga­ra Jr. (men’s 56kg) ma­tapos manalo kina Ba­hadur Vilyamusov ng Kyrgyzstan at Kyaw Kyaw ng Myanmar sa quar­terfinals. (ATan)

Show comments