Panalo ang Blue Phoenix

MANILA, Philippines - Hindi nasira ang takbo ng Blue Phoenix sa rekta para makuha ang panalo na nangyari noong Biyer­nes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa class division 1-C gi­nawa ang tagisan sa 1,300-metro distansya at ang kabayong hawak ni Esteban de Vera ay na­kitaan ng tibay sa laba­nan kontra sa dehado ring Thunder Bird upang ma­kuha ang tagumpay matapos ang mga kabiguan sa mas mataas na class division 1-B.

Nagawa pang lumamang ng isang ulo ang Thun­der Bird na hawak ni Roderick Hipolito, ngunit na­kabawi ang Blue Phoenix sa huling 75 metro pa­ra umalagwa sa meta.

May winning time na 1:24.6 ang Blue Phoenix sa kuwartos na 7, 24, 24 at 29’ upang makuha rin ang unang panalo sa dalawang takbo sa buwan ng Agosto.

Naubos naman ang  Thun­der Bird para ma­lam­pa­­san ang second choice na Ideal View na gi­naba­yan ni Pat Dilema.

Nagpasok ang win ng P43.00, habang ang 4-8 forecast ay mayroong P139.50 na ipinamaha­gi.

Ang pagpasok ng Thunder Bird sa trifecta pa­ra makabuo ng 4-8-6 kum­binasyon ay may ma­gandang P7,982.80 dibidendo.

Napangatawanan naman ng Market Garden ang pagiging paborito sa race 8 na isang class division 1 race matapos ang do­minanteng panalo.

Pumangalawa lamang ang Stunning Success na tulad ng Market Garden na hawak ni Jessie Guce ay nanggaling sa pangalawang puwestong pagtatapos sa huling karera.

May 1:22.6 tiyempo sa kuwartos na 7, 23, 24, 28, ang Market Garden na ibinalik mula sa bakasyon noong nakaraang buwan.

Nagkahalaga ng P6.00 ang win, habang P17.00 ang ibinigay sa 6-3 forecast.

Ang pinakaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Final Judgement sa class division 1-B  na pi­natakbo sa 1,300-metro dis­tansya.

Ikalawang panalo sa hu­ling tatlong takbo ito ng  kabayopara ma­kapaghatid ng P5.00 sa win.

Show comments