Douthit bumandera sa stats

MANILA, Philippines - Napabilang ang pa­nga­lan ni 6-foot-11 natu­ra­lized center Marcus Douthit sa apat na de­parta­mento sa statistics sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship.

 Base sa official stats matapos ang anim na laro sa elimination round, na­nguna ang 33-anyos na si Douthit, kumampanya sa Belgium, Turkey, Russia at South Korea, sa shot blocks mula sa kanyang 12 supalpal sa anim na la­ro kasunod si dating Smart Gilas player CJ Giles na may 6 para sa Bahrain.

Pumangatlo si South Ko­rea center Lee Jongyhyun sa kanyang 11 kasunod ang 10 ni 7’2 Hamed Hadadi ng Iran.

Sumegunda si Dout­hit, kinuha ng Los Angeles Lakers sa 2004 Draft ngu­nit hindi nakapaglaro sa NBA, sa two-point field goals sa likod ng kan­yang 66 points.

 Nasa pang anim si Douthit sa overall points buhat sa kanyang average na 14.83 a game.

Nangunguna si Jarvin Hayes ng Qatar (18.00) ka­sunod sina Hadadi (17.17), Jerri Jonson ng Ka­zakhstan (15.4), Ayman Almuwallad ng Sau­di Arabia (15.25) at naturalized Jim­my Baxter ng Jordan (14.83).

Show comments