MANILA, Philippines - Mahihirapan ang mga koponan na talunin ang Gilas Pilipinas sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship kung gaÂgaÂna ang mga outside shooÂters niÂto.
Ito ang paniniwala ng ikaÂlawang PBA four-time MVP at makailang-ulit na naging national player na si Alvin PatriÂmoÂnio na saludo sa mga shooters na kinuha sa GiÂlas team.
“Halos laÂÂhat may shooting. Kung magkiÂ-click siÂÂlang lahat, maÂÂlaking facÂÂtor ito at maÂÂhihirapan siÂlang maÂtaÂÂlo,†ani PatÂriÂmonio.
Kalaro kagabi ng PiÂlipinas ang Kazakhstan sa knockout game.
Sakaling palarin ang Nationals, kumpiyansa si Patrimonio na laÂlaban ang koponan sa finals na magbibigay din ng kaÂrapatan sa top three teams na maglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Madrid Spain.
“Krusyal itong laro sa Kazakhstan, pero maÂÂkalagpas lang tayo sa kanila, tataas na ang leÂvel ng laro ng Gilas,†sabi ng 6-foot-3 power-forward na napasama sa all-Filipino team na tuÂÂmaÂpos na pang-apat sa 1987 ABC Men’s Championship sa Bangkok, Thailand.
Ito ang pinakamataas na naabot ng Pilipinas sa torneo gamit ang mga loÂcal players.
Ang fourth place na pagtatapos ay naduplika ng Gilas noong 2011 sa Wuhan, China sa tulong ni 6’11 naturalized center Marcus Douthit.
“Kumpleto ang team naÂmin noon. May mga shooters gaya nina Allan (Caidic) at Ronnie (Magsanoc) at ang mga big men namin tulad nina Benjie (Paras), Nelson (Asaytono), Jerry (Codiñera) may periÂmeter game. Mahalaga ito dahil threat sila at kung may double-team, puÂwede nilang i-kickout sa mga shooters. Ito ang wala sa team ngayon dahil puro dribble-drive,†ani PatÂrimonio.