^

PM Sports

Walang tatalo sa Gilas kung gagana ang outside shooting

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahihirapan ang mga koponan na talunin ang Gilas Pilipinas sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship kung ga­ga­na ang mga outside shoo­ters ni­to.

Ito ang paniniwala ng ika­lawang PBA four-time MVP at makailang-ulit na naging national player na si Alvin Patri­mo­nio na saludo sa mga shooters na kinuha sa Gi­las team.

“Halos la­­hat may shooting. Kung magki­-click si­­lang lahat, ma­­laking fac­­tor ito at ma­­hihirapan si­lang ma­ta­­lo,” ani Pat­ri­monio.

Kalaro kagabi ng Pi­lipinas ang Kazakhstan sa knockout game.

Sakaling palarin ang Nationals, kumpiyansa si Patrimonio na la­laban ang koponan sa finals na magbibigay din ng ka­rapatan sa top three teams na maglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Madrid Spain.

“Krusyal itong laro sa Kazakhstan, pero ma­­kalagpas lang tayo sa kanila, tataas na ang le­vel ng laro ng Gilas,” sabi ng 6-foot-3 power-forward na napasama sa all-Filipino team na tu­­ma­pos na pang-apat sa 1987 ABC Men’s Championship sa Bangkok, Thailand.

Ito ang pinakamataas na naabot ng Pilipinas sa torneo gamit ang mga lo­cal players.

Ang fourth place na pagtatapos ay naduplika ng Gilas noong 2011 sa Wuhan, China sa tulong ni 6’11 naturalized center Marcus Douthit.

“Kumpleto ang team na­min noon. May mga shooters gaya nina Allan (Caidic) at Ronnie (Magsanoc) at ang mga big men namin tulad nina Benjie (Paras), Nelson (Asaytono), Jerry (Codiñera) may peri­meter game. Mahalaga ito dahil threat sila at kung may double-team, pu­wede nilang i-kickout sa mga shooters. Ito ang wala sa team ngayon dahil puro dribble-drive,” ani Pat­rimonio.

ALVIN PATRI

ASIA MEN

GILAS PILIPINAS

KAZAKHSTAN

MADRID SPAIN

MARCUS DOUTHIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with