MANILA, Philippines - Inangkin ng two-time champions Iran ang silya sa semifinal round nang ilampaso ang 2011 runner-up Jordan, 94-50, sa quarterfinals ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships kaÂgabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Inamin ni head coach Mehmed Becirovic na niÂnerbiyos siya bago ang kaÂnilang laro sa Jordan.
“I was personally a little bit afraid of this game, but I saw that my players were very concentrated,†wika ni Becirovic. “We started very good, on offense and on defense, and we scored on every shot that we made.â€
Sa likod ni point guard Mahdi Kamrany, kinuha ng Iranians ang isang 20-point lead, 31-11, sa first period at nagposte ng malaking 44-point advantage sa second half upang tuluyan nang igupo ang Jordanians.
Naipaghiganti ng Iran ang kanilang kabiguan sa Jordan sa 2011 FIBA-Asia Championships sa Wuhan, China.
Pinatalsik ng Jordan ang Iran sa quarterfinals ng naturang torneo na pinagharian ng China.
“It was two years ago. We finished it, we forget it,†sabi ni guard Aren Davoudichegani. “We forget about (what happened) two years ago.â€
Kumolekta si 7-foot-2 Hamed Hadadi ng 20 points at 8 rebounds sa loob ng 25 minutong pagÂlalaro.
Tumapos naman si KamÂrany na may double-double mula sa kanyang 11 points at 11 assists, habang nagdagdag sina Hamed Afagh at Oshin SaÂhakian ng 18 at 14 marÂkers, ayon sa pagkakasunod.
Tanging si naturalized player Jimmy Baxter ang umiskor ng double figures para sa Jordanians mula sa kanyang 13 points.
Sasagupain ng Iran ang Chinese-Taipei, tuÂmaÂÂlo sa nagdedepensang ChiÂna, 96-78, sa semifinals ngayon.
Bumangon ang TaiÂwaÂÂnese mula sa isang 17-point deficit, 24-41, sa first half para talunin ang ChiÂnese.
Nagtuwang sina Lin Chi-Chieh, Quincy Davis, Tsai Wen-Cheng at Lu Cheng-Ju sa second half para ibigay sa Chinese-Taipei ang 65-58 bentahe sa 3:10 ng third period.
Sinelyuhan ni Lin ang kanilang panalo matapos isalpak ang isang three-point shot, 94-72, sa huÂling 1:01 ng final canto.
Lalabanan ng China ang Jordan sa classification round.