^

PM Sports

Iran, Taiwan kinuha ang semis berth

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin ng two-time champions Iran ang silya sa semifinal round nang ilampaso ang 2011 runner-up Jordan, 94-50, sa quarterfinals ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships ka­gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inamin ni head coach Mehmed Becirovic na ni­nerbiyos siya bago ang ka­nilang laro sa Jordan.

“I was personally a little bit afraid of this game, but I saw that my players were very concentrated,” wika ni Becirovic. “We started very good, on offense and on defense, and we scored on every shot that we made.”

Sa likod ni point guard Mahdi Kamrany, kinuha ng Iranians ang isang 20-point lead, 31-11, sa first period at nagposte ng malaking 44-point advantage sa second half upang tuluyan nang igupo ang Jordanians.

Naipaghiganti ng Iran ang kanilang kabiguan sa Jordan sa 2011 FIBA-Asia Championships sa Wuhan, China.

Pinatalsik ng Jordan ang Iran sa quarterfinals ng naturang torneo na pinagharian ng China.

“It was two years ago. We finished it, we forget it,” sabi ni guard Aren Davoudichegani. “We forget about (what happened) two years ago.”

Kumolekta si 7-foot-2 Hamed Hadadi ng 20 points at 8 rebounds sa loob ng 25 minutong pag­lalaro.

Tumapos naman si Kam­rany na may double-double mula sa kanyang 11 points at 11 assists, habang nagdagdag sina Hamed Afagh at Oshin Sa­hakian ng 18 at 14 mar­kers, ayon sa pagkakasunod.

Tanging si naturalized player Jimmy Baxter ang umiskor ng double figures para sa Jordanians mula sa kanyang 13 points.

Sasagupain ng Iran ang Chinese-Taipei, tu­ma­­lo sa nagdedepensang Chi­na, 96-78, sa semifinals ngayon.

Bumangon ang Tai­wa­­nese mula sa isang 17-point deficit, 24-41, sa first half para talunin ang Chi­nese.

Nagtuwang sina Lin Chi-Chieh, Quincy Davis,  Tsai Wen-Cheng at Lu Cheng-Ju sa second half para ibigay sa Chinese-Taipei ang 65-58 bentahe sa 3:10 ng third period.

 Sinelyuhan ni Lin ang kanilang panalo matapos isalpak ang isang three-point shot, 94-72, sa hu­ling 1:01 ng final canto.

Lalabanan ng China ang Jordan sa classification round.

 

AREN DAVOUDICHEGANI

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

CHINESE-TAIPEI

HAMED AFAGH

HAMED HADADI

JIMMY BAXTER

LIN CHI-CHIEH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with