DeJuan Blair pampuno sa line-up ng Mavs
DALLAS -- Pinapirma ng Dallas Mavericks si free-agent center DeJuan Blair para makumpleto ang kanilang 15-player roster.
Hindi pa inihahayag ang detalye ng kontrata, ngunit sinasabing ito ay isang one-year contract na nagkakahalaga ng $1 milyon.
Si Blair ang magiging ikatlong opsyon ng Mavericks matapos sina Samuel Dalembert at Brandan Wright.
Dati siyang starter ni coach Gregg Popovich sa San Antonio Spurs bago siya nawala sa rotation.
Ang four-year veteran ay nagtala ng mga averages na 7.8 points at 5.8 rebounds sa 288 games para sa Spurs.
Si Blair ay ang second-round pick ng San Antonio noong 2009. Nagtala siya ng dalawang career 20-point, 20-rebound games.
Ang isa dito ay laban sa Dallas noong Abril 24, 2010 kung saan siya humakot ng 27 points at 23 rebounds.
- Latest