Sinuspinde si Portland Trail Blazers guard Terrel Harris ng limang laro dahil sa paglabag sa alituntunin ng NBA/NBPA Anti-Drug Program, ayon sa pahayag ng liga noong Lunes.
Lumipat si Harris, magiging 26-anyos sa Agosto 10, sa Blazers noong Hulyo matapos ang kanyang season sa New Orleans Hornets.
Idinagdag ng Pelicans si Harris sa isang three-team deal na nagdala sa New Orleans kina Tyreke Evans at rookie center Jeff Withey, nagbigay kay Greivis Vasquez sa Sacramento Kings at naglipat kina Robin Lopez at Harris sa Portland.
Nakakuha din ang Sacramento ng isang future se-cond-round draft pick mula sa Portland dahil sa swap.
Hindi ibinunyag ng NBA kung sa anong substance ang naging positibo si Harris.
Base sa penalty structure na inilatag sa joint anti-drug policy, posibleng ito ay steroid o performance-enhancing drug.
Ang mga players na napatunayang positibo sa paggamit ng ‘SPED’ ay papatawan ng 20-game suspension sa kanilang unang paglabag.
Kabilang sa mga banned substance ay ang me-thamphetamine, MDMA, cocaine, GHB, LSD, keta-mine, PCP, benzodiazepines at opiates.
Ang mga NBA players ay kailangang sumailalim sa anim na random tests bawat season at offseason -- apat sa season at dalawa sa offseason.