^

PM Sports

2 stakes races itatakbo ngayong Agosto

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang malalaking stakes race ang magaganap pa sa buwan ng Agosto para mapasigla ang horse racing.

Ang Bagatsing Cup ang sunod na masisilayan sa Agosto 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite bago ilarga ng 2nd Leg ng Juvenile Fillies at Colts Stakes  sa Agosto 25 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Naunang idinaos ang Atty. Rodrigo Salud Race na 4th leg din ng Imported/Local Challenge Series sa Metro Turf noong Linggo at ang pinalad na nanalo ay ang imported horse na Crucis.

May P1.2 milyon ang paglalabanan sa dalawang Bagatsing Cup na siyang tampok na karera sa iseselebrang 5th Mayor Ramon Bagatsing Memorial Cup bilang paggunita sa ika-97th kaarawan ng dating Manila Mayor na nagpakita ng malasakit sa horse racing industry.

Bukas para sa mga apat na taong gulang na kabayo at sinahugan ng P700,000.00 kabuuang premyo ang Bagatsing Cup I habang ang Bagatsing Cup II ay para sa mga imported horse na paglalabanan ang P500,000.00 gantimpala.

Magpapasigla pa sa isang araw na karera ay ang isasagawang Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby.

Ang karerang ito ay para sa mga kabayong edad tatlong taong gulang at pataas na sumali na sa mga naidaos ng PCSO Maiden Race.

May pakarera rin ang Philippine Racing Commission (Philracom) bukod pa sa Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino at Tiger Resort and Leisure.

Samantala, ang second leg ng karera para sa mga dalawang taong gulang na mga kabayo ang kukuha ng atensyon sa Agosto 25 sa bagong gawang race track.

vuukle comment

AGOSTO

ANG BAGATSING CUP

BAGATSING CUP

BAGATSING CUP I

COLTS STAKES

JUVENILE FILLIES

LOCAL CHALLENGE SERIES

MAIDEN RACE

MANILA MAYOR

MAYOR RAMON BAGATSING MEMORIAL CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with