Huling hirit ni Almazan bago pumalaot sa PBA
MANILA, Philippines - Ang huling pagkakataong nanalo ng MVP ang mga taga-Letran ay noong 1998 at 1999 nang sila ay nanalo ng back-to-back championships.
Hangad ni Raymond Almazan at ng Letran Knights na magawa uli ito ngayong season.
Target ng 6’7 na si Almazan ang MVP title kasabay ng layuning ihatid ang Muralla-based dribblers sa kampeonato na naging mailap sa kanila ng isang dekada na, kabilang ang kanilang pagkaunsiyami noong nakaraang taon nang makarating sila sa finals ngunit na-sweep lang ng San Beda Lions.
Tila nasa tamang landas si Almazan at ang Knights dahil nangunguna na si Almazan sa MVP statistical race gayundin ang Letran sa kasalukuyang 89th NCAA Men’s basketball tournament matapos ma-sweep ang kanilang unang pitong games para malagay sa tamang direksiyon patungo sa kanilang ika-17th korona upang makahanay ang Lions sa paramihan ng titulo.
Iginiit ni Almazan, nag-apply na para sa PBA rookie draft ngayong taon na ang kanyang prayoridad ay manalo muna ng titulo at isang malaking kunsuwelo na ang MVP.
“My main goal this year is to help my team win an NCAA championship before I turn pro,†sabi ni Almazan, nagdiwang ng kanyang ika-24 kaarawan noong Biyernes. “But if I ended up winning the MVP, that would be an added blessing.â€
Dahil nagkaroon ng opensa si Almazan na magandang kumplimento sa kanyang mahusay na defensive abilities, nag-average siya ng league 14th best 13.5 points bukod pa sa 16.5 rebounds (league best) at 2.5 blocks (tabla sa second) a game.
Ang mga Letran alumni na sina Christian Calaguio at Kerby Raymundo ang nanalo ng MVP title noong 1998 at 1999, ayon sa pagkakasunod para sa back-to-back ng Letran.
Bagama’t nanalo ang Knights noong 2003 at 2005, hindi taga-Letran ang nanalo ng MVP.
Ang huling Letran MVP winner na si Raymundo na naglalaro ngayon sa Brgy. Ginebra sa PBA ay pinsan ni Almazan.
“He inspires me, he gives me advice that I use in my everyday life inside the court and outside it,†sabi ni Almazan.
- Latest