Pamemeke ng ID sa FIBA-Asia nadiskubre
MANILA, Philippines - Maagap na pagmamat-yag ng mga bantay sa gate na ginagamit na pasukan ng mga indibidwal na binigyan ng identification cards para sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ang nagresulta para mapigil ang pagpasok sana ng mga taong suot ang mga pinekeng IDs.
Tatlong tao ang nakitaan na may pekeng IDs noong Lunes upang agad na madiskubre ang masamang balak ng ilan na nais na makapanood ng libre sa torneong nilahukan ng 15 bansa na nag-aagawan para sa tatlong puwesto sa FIBA-World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.
Naniniwala naman ang mga opisyales ng nag-organsiang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sa araw lamang na iyon nagbalak ang mga masasamang loob na gawin ang bagay na ito.
“Wala namang nakapasok noong first few days at kahapon lang ‘yung first try nila,†wika ni SBP deputy executive director Bernie Atienza.
Hindi naman nabigla si Atienza sa madaling pagkakatuklas sa pamemeke ng ID dahil iba ang hitsura nito sa orihinal na galing sa FIBA-Asia.
- Latest