MANILA, Philippines - Marami ang naantig sa eksena ni Gary David at ng kanyang anak na si Maxene pagkatapos ng panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Japan noong Lunes ng gabi dahil umiyak ang bata nang isinisigaw ng mga tao ang pangalan ng kanyang ama sa MOA Arena.
‘Tears of joy’ ito para kay Maxene David na na-ramdaman ang suporta ng mga tao sa kanyang ama na hindi maganda ang inilalaro sa torneo.
Umalingawngaw ang “Gary! Gary! Gary!†sa arena nang papasukin ni coach Chot Reyes si David patungo sa huling tatlong minuto ng labanan.
Sigurado na ang panalo ngunit alam ng lahat na may kailangang gawin si David.
At idiniliber ni David ang hinihintay ng marami sa huling 56-segundo ng laro nang ipasok niya ang kanyang unang tres sa torneo at muling nagsigawan ang mga tao at inihiyaw ang kanyang pangalan.
“I feel so happy our kababayans didn’t turn their backs on me. They continue to support me,†sabi ni David, na 0-of-9 bago nakaiskor ng tres.
Si David ay 2-of-11 overall mula sa field kontra sa Saudi Arabia, 0-of-2 kontra sa Jordan at 0-of-5 kontra sa Chinese Taipei.
“My confidence is back and hopefully I can keep it in the Qatar game,†ani David na suportado pa rin ng Gilas coaching staff at mga players.