Iran na ngayon ang pinapaborang manalo
MANILA, Philippines - Matapos talunin ang mga koponan sa tinatawag na ‘Group of Death’, lu-malabas na paborito ang wala pang talong Iran na magkampeon sa 27th FIBA-Asia Championships at makuha ang una sa dalawang tiket para sa FIBA World Cup sa Spain sa susunod na taon.
Tinalo ng Iran ang Malaysia, 115-25, para buksan ang kanilang kampanya sa FIBA-Asia noong nakaraang Huwebes.
Matapos ito ay binigo naman ng Iran ang Korea sa 76-65 kasunod ang China, 70-51.
Sa second round na magsisimula ngayon, inaasahang tatalunin ng Iran ang Kazakhstan, Bahrain at India at kung makukuha nila ang top seeding ay makakatapat nila ang No. 4 mula sa Groups A at B sa knockout quarterfinals.
Ang No. 4 team ay maaaring ang Gilas Pilipinas o ang Qatar, Japan at Jordan kung masisikwat ng Chinese-Taipei ang No. 1 sa Groups A at B.
Sinabi ni Barako Bull coach Rajko Toroman na walang koponan ang motivated sa 15-nation tournament. Iginiya ni Toroman ang Iran para sa FIBA-Asia crown noong 2007 at nakuha ng natio-nal squad ang silya sa 2008 Beijing Olympics bilang premyo.
“They’ve been together as a unit for years,†sabi ng Serbian. “I think there are only one or two players in the team whom I haven’t coached so the nucleus is virtually intact. The Iranian federation realized how important chemistry is that they decided not to include Arsalan (Kazemi) in the lineup.â€
Ang 22-anyos na si Arsalan, isang 6-7 forward, ay nakuha sa second round ng Washington Wizards sa 2013 NBA draft bago dinala sa Philadelphia.
Naglaro si Arsalan ng tatlong taon sa Rice University at nagtala ng double-double sa dalawang seasons hanggang lumipat sa University of Oregon para tapusin ang kanyang NCAA eligibility.
Sinasabing handa na siyang maglaro para sa Iran sa 2013 FIBA-Asia ngunit hinarang ito ng federation officials para hindi makaapekto sa laro ng Iran.
Ang Iran ay binabanderahan nina 7’2 Hamed Haddadi, 6’6 Samad Nikkhah Bahrami at 6’1 Mahdi Kamrani.
- Latest