‘Kulang sa pisikalidad ang Gilas’-- Belga

MANILA, Philippines - Sinabi ni Gilas Pilipinas reserve Beau Belga na ang kakulangan sa pisikalidad ang isa sa mga na-ging dahilan ng kabiguan sa Nationals laban sa Chinese Taipei noong Sabado ng gabi.

“Ilan tao ba ang pumatay sa atin? Dapat ginawan na nila ng paraan yon,” wika ni Belga ng Rain or Shine.

“Okay lang siguro kung buong team ang tumalo sa atin. Eh ilang players lang naman,” dagdag pa nito.

Alam na naglalaro sila ng physical game sa PBA, sinabi ng 6-foot-6 center na dapat na ito rin ang ilaro ng Nationals sa kasalukuyang 27th FIBA Asia Championships.

“Nagsasakitan tayo sa PBA, we should do the same here. Di naman natin kilala yang mga ‘yan. At kung sakaling magkasakitan talaga, next two years mo pa uli makikita yan,” ani Belga.

Sinunog nina Lu Cheng Ju, Lin Chih Chieh, Tien Lei at Tseng Wen Ting ang ang mga Pinoy mula sa kanilang 15-of- 26 three-pointers.

Tumapos si Lu ng 22 points mula sa kanyang anim na tres.

“Dapat ginawan ng paraan ‘yan,” ani Belga.

Si Belga at ilang Gilas cadet players ang nagsisilbing scouting players ng Gilas sa FIBA-Asia Championships.

Sila rin ang kalaban ng Gilas sa practice sessions.

 

Show comments