MANILA, Philippines - Nagpakatotoo lamang si Gilas National team coach Chot Reyes nang kanyang sabihin na hindi na niya iniisip kung sino ang makakatapat nila sa quarterfinals sa idinadaos na 27th FIBA Asia Men’s Championships.
Nabigo ang Pilipinas na walisin ang Group A nang padapain ng Chinese Taipei, 79-84, sa larong nakitaan ng paglayo ng home team ng hanggang 13 puntos sa ikatlong yugto.
Nakaabante pa rin ang Gilas sa second round ngunit may 1-1 karta ito upang makasama ang Japan sa ikatlo at apat na puwesto sa Group E.
Ang nangunang tatlong bansa sa Group A at B ay magkakasama sa Group E at bitbit ang mga win-loss records laban sa mga nakasamang teams.
Hindi na kasama sa win-loss record na bitbit ng mga umabanteng koponan ang resulta laban sa mga teams na nalaglag sa consolation round.
Hindi na nila makakalaro ang nakagrupo at ang babanggain ay ang mga teams na nasa Group B na binubuo rin ng Qatar (2-0) at Hong Kong (0-2).
Magkakasama naman sa Group F ang Iran, Kazakhstan, Bahrain, Korea, India at China at ang mangungunang apat na koponan sa dalawang grupo ang aabante sa cross-over quarterfinals na isang knockout format.
“Being at second place in our group doesn’t mean anything. Our goal now is to get into the quarterfinals. Whoever we play, we play,†wika ni Reyes.
Kailangan ng Gilas na walisin ang laro sa round na ito at manalangin na ang Chinese Taipei na may 2-0 baraha, ay matalo ng dalawang laro para makuha ang liderato sa Group E at magkaroon ng mas magaan na kalaban sa round-of-eight.
Nagpahinga ang aksyon kahapon at tiyak na ginamit ng Gilas ito para mapaghandaan nang husto ang Japan. Ito na ang ikapitong pagkakataon na magtutuos ang dalawang bansa sa FIBA- Asia at angat ang natio-nals, 5-1.
Isang bagay na tiyak na gagawin ni Reyes ay ang pagkakaroon ng magandang rotation sa kanyang manlalaro upang matiyak na may ibubuga pa sila sa huling yugto, bagay na hindi nangyari kontra sa Chinese Taipei.
Dapat ding magdomina si 6’10†natura-lized Filipino center na si Marcus Douthit na kahit na naghahatid ng double-double averages na 12.3 puntos at 10 rebounds ay mababa pa ito kumpara sa ibinigay noong 2011 na 21.9 puntos, 12.2 rebounds at 1.3 assists kada laro. UAT)