UAAP muling ipinaliwanag ang kaso ng UP Juniors player

MANILA, Philippines - Ang paglabag sa pata­karan sa eligibility ang nag­tulak sa University Ath­letic Association of the Philippines board pa­ra ideklarang ineligible ang isang player ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa Season 76.

Muling nilinaw ng UAAP board na nilabag ni Joshua General ang eli­gibility rule sa kanyang pag­lalaro sa UPIS.

Sa ilalim ng “O­ther Requirements” ng Pla­yer’s Eligibility rule sa UAAP’s Rules and Re­gulations sa kanilang Ar­ticles of Incorporation and By Laws, “A (High School) athlete shall have a maximum of four pla­ying years within five (High School) years re­c­koned from the acade­mic year of elementary gra­duation.”

Nagtapos si General ng elementarya sa edad na 11-anyos sa Naga Parochial School sa Camarines Sur noong 2008.

Naglaro siya sa San Be­da-Taytay sa kanyang fresh­man year bilang isang high schooler ngunit hu­minto noong Oktubre ng 2008-2009 school year.

Nag-enrol si General sa Lourdes School Man­da­luyong hindi bilang isang high school freshman kundi isang Grade Se­ven student at muling nag­tapos ng elementarya no­ong 2010.

 

Show comments