Harrington binitawan ng Orlando Magic

ORLANDO -- Pinilit ng Magic na mai-trade si ve­te­ran Al Harrington, ngunit walang kumagat.

Noong Biyernes ay pinakawalan na ng Orlando si Harrington.

Kinumpirma ni Harrington ang pagpapakawala sa kanya ng Magic sa pamamagitan ng isang Instagram message na “It’s Official... Orlando has waived me! I just want thanks all the Orlando Fans that embraced me in my short stay there. It was my pleasure playing in front of you guys. Also wanna thank Coaching staff and medical department for helping me get back on court to do what I love the most. And that’s to Hoop with the Best! Now that I’m almost 110% back healthy I’m so excited for my immediate future. Let the phone start ringing. I’m ready!!!!!”

Inaasahang walang kukuha sa 33-anyos na si Harrington dahilan sa natitirang $14.7 milyon sa kanyang kontrata sa susunod na dalawang seasons.

Sumailalim si Harrington sa isang knee surgery na nagresulta sa isang staph infection noong nakaraang season at nakita lamang siya sa 10 laro noong 2012-2013 sea­son.

 

Show comments