MIAMI -- Kailangan pa ni Greg Oden ng sapat na panahon para magpakondisyon sa kanyang pagÂlalaÂrong muli sa NBA.
Ngunit hindi na niya kaÂilangan ng bagong koÂpoÂnan.
Kinuha ang dating No. 1 overall draft pick ng two-time defending NBA champion Miami Heat.
Hangad ni Oden na buÂhayin ang kanyang NBA career na natabunan ng kanyang problema sa tuÂhod.
Ang pagkuha sa 7-footer ang magpapalaÂkas sa tsanÂsa ng Heat para sa kanilang ‘Grand Slam’ sa daraÂting na season.
Sinabi ni Mike Conley Sr., isa sa mga agent ni Oden, pumayag na ang dating Portland center sa alok ng Miami na halos $1 milyong kontrata para sa daÂrating na season.
Magkakaroon rin siya ng isang player option paÂra sa 2014-15.
“He just thought that it was the best fit for him, where he’s at and especially for how it relates to him coming back,†wika ni Conley kay Oden. “He can be on a winning team and be working his way in slowly.â€
Inaasahang lalagdaan ni Oden ang kontrata sa Heat ngaÂyong linggo.
“I think a 7-footer can help any team,†sabi ni point guard Mario ChalÂmers, isa sa mga bayani ng Heat sa 2013 NBA Finals. “They’re hard to find. I’ve known Greg since our high school days.â€